Friday, July 23, 2010

Internal Breakdown


Halos one month na after matapos ang mango supply chain project namin at andami ko natutunan professionally at, well, academically na din kasi para uli akong nagkaka-crash course araw-araw tungkol sa postharvest at tungkol sa mangga. Then I thought, ano naman ang natutunan ko on a personal level. Ibig kong sabihin, yung mga sinasabi nating lessons in life. Happily, meron naman pala.

Backgrounder muna. Two most common postharvest diseases ng mangga ay stem-end rot at anthracnose. Yun yung nakikita nyong itim-itim na parang dalmatian spots sa mangga kapag nahihinog na. Isang solution dito ang hot-water treatment. Ang ginagawa dito ay nilulubog ang mangga sa mainit na tubig (48-55ºC) at a certain period of time at macocontrol na ang dalawang postharvest diseases na binanggit ko ng up to 100%.

Ngayon may problema. Kapag ang mangga ay hinarvest ng immature at dumaan sa hot water treatment. Nagkakaroon ng defect ang laman ng mangga. Ganito itsura nya:


Internal breakdown ang tawag dito. Ang pangit diba? Pero kung titingnan mo yan ng hindi pa "na-babaak" (like divide it into two, you know, dalawa), yung intact pa si ripe mango, normal na normal ang itsura, mukhang masarap kainin.

Two lessons learned:

Una, don't take things (and people na din) at face value. Ang maturity ay makikita sa mga "breaking" situations. Dun mari-reveal what we really are made of.

Pangalawa, hindi dapat ipinipilit ang mga bagay-bagay kapag hindi pa panahon kasi panget ang kinalalabasan. Nasisira ang magandang design.

I tenkyu. Bow!



Scavenged from multiply.com, posted it there 18 July 2008. 

0 comments: